Tik ti la oooooooook...Iyan ang tila hudyat na panahon na para bumangon.Alas-diyes nang umaga noon syempre ano pa nga ba ang unang hakbang malamang ang imulat ang mga mata, magligpit nang higaan, kumain ng almusal at maghanda na para sa isa nanamang araw ng gawaing pambahay.Kanina pa pala gising si mama ,tapos na siyang maglaba ng aming damit na pang araw-araw samantalang ako kagigising pa lamang nang. Kumakain ako noon ng bigla kong narinig ang boses ni mama na nagsasabing"Angelika maglaba ka na nang mga uniporme at medyas" sumagot ako na"sige ma tatapusin ko lamang ang aking kinakain".Matapos kong kumain aysinimulan ko na ang paglalaba.Banlaw,sabon,banlaw,banlaw, banlaw at sampay sa wakas tapos na.Sumunod ay kumain na kami nang sabay-sabay.Matapos ang lahat ay tinuloy ko pa ang iba kung mga gawain.Pagod-pagod na ako kaya panahon na para mamahinga..
LINGGO
Anu ba yan ang ingay naman ng alarm clock.Naku alas nwebe na baka mahuli kami sa misa.Agad akong nagligpit ng higaan ,kumain at nagbihis at umalis.Natandaan ko pa ang aral ng pari ito ay ang"magbahagi" tulad ng ginawa ng diyos na nagpakain ng maraming taong walang makain.Ang araw rin ng linggo para sa amin ay araw ng pamamasyal kaya kami ay namasyal,namili at kumain sa labas.Umuwi na kami agad dahil kami ay gagawa pa ng takdang-aralinMtapos ang lahat ay pinatulog na kami ng maaga dahil mayroon pang pasok bukas at maaga naman ang gising namin.