Kaibigan,isang salitang madaling sambitin ngunit mahirap hanapin, mahirap tukuyin kung sinong totoo o nagpapanggap lamang.Totoo man sila o hindi, mayroon parin silang katangiang naiiba na hindi natin makikita kahit na kanino pa.Mga bagay o kalokohang ginagawa ng sabay at mga pangyayaring kasama mo at hindi mo na sila maaaring makalimutan dahil nakatatak sa puso mo ang hitsura nila ,ngunit ano nga ba ang katangian ng isang kaibigang nais mong makasama sa tawanan at iyakan?
Isa rin akong kaibigan at mayroon di naman akong kaibigan, para sa akin ang isang kaibigan ay maaasahan sa tawanan man o sa problema.Isang kaibigang nagpapangiti at nagpapasaya sa iyo,mapagbigay,mabait,may pananampalataya sa diyos ,may respeto , at higit sa lahat totoo at hindi nagpapanggap lamang.Taos pusong tinatanggap ang maga payong binibigay mo,pinagtatanggol ka sa lahat ng nangaapi sa iyo ,pinasasalamatan ka at tinatanggap ang pagkakaiba ng bawat isa at magbabago para sayo at para sa kanila.May mga pagkakataon na kayo`y may hindi napagkakaunawaan at hindi nagpapansinan ngunit hindi mo talaga matitiis ang iyong kaibigan.
"Ang kaibigan ay kayamanan na hindi mo makukuha ng madalian".Ito ang katagang nagpapaalala sa atin na ang kaibigan ay hindi madaling makuha at hindi mo lamang kaibigan ang isang tao dahil sa iyong pangangailangan .Lahat tayo`y nangangarap na magkaroon ng kaibigang mag-iiwan sa atin ng pangakong "Hanggang sa huli ,walang iwanan".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento