
Gaya ng sabi ko, bagong taon ay panibago ring simula at maganda itong simulan sa mga dapat mong baguhin .Bilang ako ang mas nakakikilala aa sarili ko at alam ko ang dapat kong mga baguhin at ibahin gagawa ako ng listahan para pagdating ng susunod na taon makikita ko kung nabago ko nga ang mga iyo at naisakatuparan ko.
-Maging masipag sa mga gawaing bahay at tumulong sa pagaayos.Aamin ko na kasing medyo tamad ako (medyo lang).Pagdating sa mga ganyang bagay.
-Magaral ng mabuti,hindi ko naman sinasabing hindi ako nagaaral ng mabuti pero unting sipag lang at huwag laging gumagawa ng mga proyekto kung kailan pasahan na kinabukasan
-Baguhin ang mga pangit kong ugali nang sa ganon maging maganda ang pagpasok ng taon sa akin
-Huwag maging masyadong mahiyain
-Magkaroon ng mas malaking tiwala sa sarili
-Magkaroon ng oras para sa sarili
-Laging think positive at maging masaya
-Maging responsable sa lahat ng bagay
Umaasa akong kapag binalikan ko ito matapos ang isang taon ay natupad ko ang lahat ng ito nabago ko ang dapat baguhin at kung hindi man ay sa susunod na taon uli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento