
Disyembre 24,2015 ,abalang-abala na ang lahat upang maghanda sa pagsalubong sa pasko.Hindi na ako makapaghintay marami na namng kakainin at walang ibang pwedeng isipin.Darating na ang pinakahihintay kong araw dahil sa mga palamuti at pailaw ay nabibighani na ang aking mga mata at doon ko nnaramdaman na pasko na nga.Unti-unti nang lumipas ang oras at unti-unti na ring nagkakasiyahan.Inuman,tugtugang napakalakas at kantahan ang tangi mong masisilayan.Habang ang iba tulad namin ay kumakain lamang kasama ng kanya-kanyang mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan.Ang pagmamahalan at pagbibigayan.Marahil ang iba ay nakalimutan na na ang pasko ay para sa Diyos ngunit ako hindi ko makalilimutan iyon.Kaugalian narin naming magkakapatid ang magbigay ng sulat sa diyos at ilagay ito sa altar.Doon ay nakalagay ang aming pasasalamat at ang aming mga kahilingan.Marahil dahil sa pagod ay agd kaming nakatulog at kinabukasan,sa mismong araw ng pasko kinaumagahan ay nagsimba kami ng magkakasama balak din sana naming manood ng sine ngunit hindi ito natuloy sa halip ay kumain na lamang kami ng ice cream.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento