Biyernes, Marso 18, 2016

Miyerkules, Enero 6, 2016

Stripe and yellow

   

Ang kwentong "the adventure of Stripe an Yellow" ay hango sa kwento  ng Hope for the flowers.Ang kwentong ito ay tungkol sa magkaibigang naghahanap ng kanilang lugar sa mundo.Nagsimula silang maglakbay upang  hanapin ang mundo kung saan sila nababagay at sa kanilang paglalakbay ay marami sailang nakasalamuha na nagpayo at nagpakilala sa kanila ng tunay nilang halaga.

Sa kwentong ito natutunan kong magtiwala sa aking kakayahan  at makuntento rin sa kung ano ang ibinigay sa akin ng panginoon. Huwag atyong mainggit at tumingin sa iba at ikumpara ang mga kaya nating gawin o hindi.Tinuturo nito ang tunay na halaga ng bawat isa at ng buhay.

Maganda ang kwentong ito dahil may napupulot kang aral at binibigyan ka ng dahilan para mabuhay at patuloy na magpatuloy sa agos ng buhay anuman ang mangyari.


Sabado, Enero 2, 2016

new year`s resolution


Gaya ng sabi ko, bagong taon ay panibago ring simula at maganda itong simulan sa mga dapat mong baguhin .Bilang ako ang mas nakakikilala aa sarili ko at alam ko ang dapat kong mga baguhin at ibahin gagawa ako ng listahan para pagdating ng susunod na taon makikita ko kung nabago ko nga ang mga iyo at naisakatuparan ko.

-Maging masipag sa mga gawaing bahay at tumulong sa pagaayos.Aamin ko na kasing medyo tamad  ako (medyo lang).Pagdating sa mga ganyang bagay.

-Magaral ng mabuti,hindi ko naman sinasabing hindi ako nagaaral ng mabuti pero unting sipag lang at huwag laging gumagawa ng mga proyekto kung kailan pasahan na kinabukasan

-Baguhin ang mga pangit kong ugali nang sa ganon maging maganda ang pagpasok ng taon sa akin

-Huwag maging masyadong mahiyain

-Magkaroon ng mas malaking tiwala sa sarili

-Magkaroon ng oras para sa sarili

-Laging think positive at maging masaya

-Maging responsable sa lahat ng bagay

Umaasa akong kapag binalikan ko ito matapos ang isang taon ay natupad ko ang lahat ng ito nabago ko ang dapat baguhin at kung hindi man ay sa susunod na taon uli.

Biyernes, Enero 1, 2016

Bagong taon bagong simula

   


     Umaga pa lamang abala na si mama sa pamamalengke habang kaming mga naiwan sa bahay ay abala rin sa paglilinis.Sabi kasi ng karamihan kung ano ang sinimulan mo ngayong pagpasok ng taon ay iyon ang tatamasain mo ng boung taon kaya ayon abala ang lahat.inihanda na namin ang lahat sa lamesa matapos nag magluto ni mama ngunit alas-diyes palang noon kaya nagtugtog kami ng malakas at nagsaya.Bago pa man magalasdose ay marami na ang nagpaputok.Tatlong minuto bago pumatak ang als dose ay inilatag ng aming mga kapitbahay ang sinturon ni hudas at sinindihan ito.Mabuti na lamang at malayo sa amin iyon dahil nakakatakot ang bawat pagsabog nito.Inabot ng limang minuto bago ito huminto.Ilang fireworks din ang kanilang sinindihan na agad namang nagpakulay sa kalangitan at napakaganda noon.Samantalang kami ay nagpapatunog lamang ng torotot sapagkat mas ligtas iyon.
     Pagpasok ng bawat taon ay may bago ring simula.Smulang magbago,maging masaya at magumpisa muli.Sana ang taong ito ay maging masaya at maginhawa para sa akin.

Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Rizal day:bayaning nag-angat ng ating bandera

     



Tuwing ika -30 ng disyembre ay ating ipinagdiriwang kamatayan ng ating bayaning sa Dr.Jose P. Rizal kung saan siya pinaparangalan at kinikilala bilang pambansang bayani.Ang pagiging bayani ay hindi matatawaran ng kahit na sinuman sapagkat isa siya sa  mga nagtaya ng buhay para sa ating bayan.Lobus na hinahangaan ng marami ang kanyang abilidad at kagalingan sa pagsulat at ginamit niya ito upang makamit natin ang kalayaan at kapayapaang ating tinatamasa sa ngayon.Isa sa kanyang mga akda ay ang Noli me Tangere na kasalukuyan kong binabasa ng paunti-unti.
       Sa kanyang akdang Noli ay namulat ang ating kamalayan sa kung ano ang naranasan ng ating mga ninuno noong panahon ng pagngongolonya ng ibang mga bansa.Isa pa ay kinikilala din siya dahil sa kasabihang kanyang iniwan na nagbibigay aral sa atin bilang isang mamamayang pilipino.
     Umaasa ako na patuloy nating bibigyang parangal ang lahat ng mga bayani at hindi lamang si Rizal.Marami kasi sa atin ang isama na sa paglipas ng panahon ang pagkilala sa ating mga bayani.Sanay patuloy natin silang tingalain at kilalanin maging ang panitikang kanilang iniwan ay sana`y tumatak sa ating isipan at patuloy na matutunan.
      Maswerte pa rin tayo na nabubuhay sa kasalukuyang panahon na hindi nakakaranas ng kalupitan at nakatatamasa ng higit na kalayaan at kapayapaan.Ang tangi nalang nating magagawa ay magpasalamat sa kanila sa pamamagitan ng pag-alala at patuloy na pagkilala ng kanilang pagiging bayaning nag-angat ng ating bandera.

Sabado, Disyembre 26, 2015

CHRISTMAS:TUNAY NA DIWA NG PASKO



  


Disyembre 24,2015 ,abalang-abala na ang lahat upang maghanda sa pagsalubong sa pasko.Hindi na ako makapaghintay marami na namng kakainin at walang ibang pwedeng isipin.Darating na ang pinakahihintay kong araw  dahil sa mga palamuti at pailaw ay nabibighani na ang aking mga mata at doon ko nnaramdaman na pasko na nga.Unti-unti nang lumipas ang oras at unti-unti na ring nagkakasiyahan.Inuman,tugtugang napakalakas at kantahan ang tangi mong masisilayan.Habang ang iba tulad namin ay kumakain lamang kasama ng  kanya-kanyang mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan.Ang pagmamahalan at pagbibigayan.Marahil ang iba ay nakalimutan na na ang pasko ay para sa Diyos ngunit ako hindi ko makalilimutan iyon.Kaugalian narin naming magkakapatid ang magbigay ng sulat sa diyos at ilagay ito sa altar.Doon ay nakalagay ang aming pasasalamat at ang aming mga kahilingan.Marahil dahil sa pagod ay agd kaming nakatulog at kinabukasan,sa mismong araw  ng pasko kinaumagahan ay nagsimba  kami ng magkakasama balak din sana naming manood ng sine ngunit hindi ito natuloy sa halip ay kumain na lamang kami ng ice cream.

Huwebes, Disyembre 24, 2015

Wishlist:dear santa claus

  Bago pa man dumating ang araw ng pasko marami sa atin ang nagbibigayan ng regalo upang mapasaya  ang ating kapwa.Ito ang sinasabibing"share your blessing".Sa totoo lang isa lang ang hiling ko,Ang patuloy na maging buo,matatag at matibay ang pagsasamahan ng aming pamilya,patuloy din sanang maging sentro ng aming pagsasamahan ang diyos at magkaroong ng maayos na kalusugan.Pero kung ang paguusapan ay materyal na bagay marami akong gustong matanggap:
     1.DAMIT AT SAPATOS-isa ito sa aking hiling ngunit alam ko naman na makatatanggap na ako nito dahil tuwing magpapasko ay bibilhan kami ng aming mga magulang ng bagong damit at sapatos.
   
      2.LIBRO -nais kong magkaroon ng libro upang gawing aking libangan.Mhilig din kasi ako samga kuwentao lalo na kung may aral at nagagamit ko bilang inspirasyon.

      3.IPHONE- wala pa akong cellphone kaya isa to sa mga hiling ko
 
      4.BAG- gusto kong nakatanggap ng bag upang magamit ko sa eskwelahan

       5.RELO-mahalga ang bawat oras kaya mahirap ang walang relo.
   
      Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay.Masaya na ako anuman ang matanggap ko ngayong pasko dahil kuntento na ako sa mga bagay na meron ako.