Ang pagsusulit o pagtataya ay isang paraan upang malaman kung hanggang saan o kung ano ang naipong kaalaman ng isang estudyante,ngunit bilang kami ay nasa ika siyam na baitang na,panahon na para dumaan kami sa isang pagtataya kung saan malalaman mo ang kurso mo base sa iyong kaalaman.
Pero ano itong nararamdaman ko ngayon,Bakit ba ganito parang hindi ko malaman, hindi ko maipaliwanag kung dapat ba akong maging masaya dahil sa wakas malalaman ko na ang kursong dapat sa akin o malulungkot dahil hindi ko matukoy kong makukuha ko ba ang kursong nais ko.Sa nararamdaman ko ngayon para babg sasabog ang aking dibdib sa sobrang kaba at mabilis na pagkabog nito.
Habang lumilipas ang mga oras lalo itong tumitindi, hanggang sa dumating na ang gurong magpapasulit sa amin.Natutuwa naman ako dahil mabait siya ngunit nang makita ko ang bawat pahina ng maliit na libro,ay puro matematika pa ang isang kategorya doon ngunit wala namang pwedeng pamilian dahil kailangan lahat iyon ay sagutan.
Natapos na ang pagsusulit, sa wakas, natapos na rin ang aking kaba, at nais ko na agad malaman ang resulta ng aking pinaghirapang sagutan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento