Ang unang markahan para sa akin ay isa na namang simula upang makaipon ng mga panibagong kaalaman. Nagsimula ang aming unang markahan sa pagtukoy kung ano ang pagkakaiba alamat at maikling kwento.Ang alamat ay isang uri ng panitikang maaring pinagmulan ng isang bagay.Ito ay maaaring kathang isip lamang, samantalang ang maikling kwento naman ay isang uri din ng panitikan na kung saan ay maiksi lamang at naglalathala ng realidad ng buhay.Matapos nito`y tinalakay naman namin ang transitional devices at ang pangatnig.Ang transitional devices ay ginagamit upangmaging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.Ang pangatnig naman ay ang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.Sumunod ay ang pang-abay at ang mga uri nito.Tinalakay din namin ang ukol sa tula.Ano nga ba ang tula? Ang tula ay isang anyo ng panitikang nagpapahayag ng damdamin at binubuo ng saknong at taludtod.Isa sa mga uri nito ay ang tulang naglalarawan.Ito ay naiiba sa ibang uri ng tula dahil mas nabubuo sa isipan ng mambabasa ang inilalarawan ng may-akda.Matapos nito`y tinalakay na namin ang huling aralin.Ito ay ang sanaysay.Ang sanaysay ay isang maikling akda at naglalahad ng personalna salaysay ng may-akda.Ito ay may dalawang uri, ang pormal na sanaysay na kung saan ay nagbibigay ng seryosong paksa at ang di-pormal na sanaysay na nagbibigay aliw sa mambabasa dahil magaan lamang ang mga paksa nito.
Nailahad ko na ang mga naipon kong karununga na mananatili sa aking isipan.Magiiwan ang markahang ito ng magandang kaalaman na maaari kong ibahagi sa iba at mgagamit ko rin pagdating ng panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento