Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Rizal day:bayaning nag-angat ng ating bandera

     



Tuwing ika -30 ng disyembre ay ating ipinagdiriwang kamatayan ng ating bayaning sa Dr.Jose P. Rizal kung saan siya pinaparangalan at kinikilala bilang pambansang bayani.Ang pagiging bayani ay hindi matatawaran ng kahit na sinuman sapagkat isa siya sa  mga nagtaya ng buhay para sa ating bayan.Lobus na hinahangaan ng marami ang kanyang abilidad at kagalingan sa pagsulat at ginamit niya ito upang makamit natin ang kalayaan at kapayapaang ating tinatamasa sa ngayon.Isa sa kanyang mga akda ay ang Noli me Tangere na kasalukuyan kong binabasa ng paunti-unti.
       Sa kanyang akdang Noli ay namulat ang ating kamalayan sa kung ano ang naranasan ng ating mga ninuno noong panahon ng pagngongolonya ng ibang mga bansa.Isa pa ay kinikilala din siya dahil sa kasabihang kanyang iniwan na nagbibigay aral sa atin bilang isang mamamayang pilipino.
     Umaasa ako na patuloy nating bibigyang parangal ang lahat ng mga bayani at hindi lamang si Rizal.Marami kasi sa atin ang isama na sa paglipas ng panahon ang pagkilala sa ating mga bayani.Sanay patuloy natin silang tingalain at kilalanin maging ang panitikang kanilang iniwan ay sana`y tumatak sa ating isipan at patuloy na matutunan.
      Maswerte pa rin tayo na nabubuhay sa kasalukuyang panahon na hindi nakakaranas ng kalupitan at nakatatamasa ng higit na kalayaan at kapayapaan.Ang tangi nalang nating magagawa ay magpasalamat sa kanila sa pamamagitan ng pag-alala at patuloy na pagkilala ng kanilang pagiging bayaning nag-angat ng ating bandera.

Sabado, Disyembre 26, 2015

CHRISTMAS:TUNAY NA DIWA NG PASKO



  


Disyembre 24,2015 ,abalang-abala na ang lahat upang maghanda sa pagsalubong sa pasko.Hindi na ako makapaghintay marami na namng kakainin at walang ibang pwedeng isipin.Darating na ang pinakahihintay kong araw  dahil sa mga palamuti at pailaw ay nabibighani na ang aking mga mata at doon ko nnaramdaman na pasko na nga.Unti-unti nang lumipas ang oras at unti-unti na ring nagkakasiyahan.Inuman,tugtugang napakalakas at kantahan ang tangi mong masisilayan.Habang ang iba tulad namin ay kumakain lamang kasama ng  kanya-kanyang mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan.Ang pagmamahalan at pagbibigayan.Marahil ang iba ay nakalimutan na na ang pasko ay para sa Diyos ngunit ako hindi ko makalilimutan iyon.Kaugalian narin naming magkakapatid ang magbigay ng sulat sa diyos at ilagay ito sa altar.Doon ay nakalagay ang aming pasasalamat at ang aming mga kahilingan.Marahil dahil sa pagod ay agd kaming nakatulog at kinabukasan,sa mismong araw  ng pasko kinaumagahan ay nagsimba  kami ng magkakasama balak din sana naming manood ng sine ngunit hindi ito natuloy sa halip ay kumain na lamang kami ng ice cream.

Huwebes, Disyembre 24, 2015

Wishlist:dear santa claus

  Bago pa man dumating ang araw ng pasko marami sa atin ang nagbibigayan ng regalo upang mapasaya  ang ating kapwa.Ito ang sinasabibing"share your blessing".Sa totoo lang isa lang ang hiling ko,Ang patuloy na maging buo,matatag at matibay ang pagsasamahan ng aming pamilya,patuloy din sanang maging sentro ng aming pagsasamahan ang diyos at magkaroong ng maayos na kalusugan.Pero kung ang paguusapan ay materyal na bagay marami akong gustong matanggap:
     1.DAMIT AT SAPATOS-isa ito sa aking hiling ngunit alam ko naman na makatatanggap na ako nito dahil tuwing magpapasko ay bibilhan kami ng aming mga magulang ng bagong damit at sapatos.
   
      2.LIBRO -nais kong magkaroon ng libro upang gawing aking libangan.Mhilig din kasi ako samga kuwentao lalo na kung may aral at nagagamit ko bilang inspirasyon.

      3.IPHONE- wala pa akong cellphone kaya isa to sa mga hiling ko
 
      4.BAG- gusto kong nakatanggap ng bag upang magamit ko sa eskwelahan

       5.RELO-mahalga ang bawat oras kaya mahirap ang walang relo.
   
      Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay.Masaya na ako anuman ang matanggap ko ngayong pasko dahil kuntento na ako sa mga bagay na meron ako.
 
     

Huwebes, Oktubre 1, 2015

nasasaktan rin sila...

Ang hayop ay isa sa mga nilikha ng diyos na nabubuhay.Sila ay isang kasyamanan ng ating kapaligiran at nagpapayabong ng ating kalikasan.sila rin ay nakakatulong sa pagbabalanse ng ating ecosystem. kung wala sila marami ang mawawala sa atin.simple lamang silang nilikha.malaki,maliit,mabangis at maamo ang ilan sa kanilang mga katangian.kayamanan silang maituturing ngunit bakit ang iba`y hindi makita ang kanilang halaga?inaabuso ang munti nilang kakayahan at sinasaktan ng walang muwang.bakit ba nagagawa ng ibang saktan ang mga hayop na walang kasalanan.sabi nga ng iba kung nakapagsasalita lamang ang hayop malamang napagsabihan ka na niyan.
Marami tayong nababalitaan o napapanood at maging nakikita na sinasaktan ang mga hayop.hindi pinapakain,sinisipa,tinatapakan,binabaril at kung anu ano pang pamamaraan ng pananakit sa hayop..marahil hindi lamang nila nakikita ang halaga ng mga ito kaya nila sinasaktan ang mga hayop.ang iba`y peste para sa atin ngunit  may nmagagawa rin silang mabuti sa atin tulad na lamang ng langgam .simple`t maliit na nilalang ngunit may kakayahan at may kasipagang taglay.ginagamit din ang mga hayop sa mga pabula upang maghatid ng leksyon sa atin bilang mga tao sa di tuwirang paglalahad.
Para sa akin,pare-pareho lamang tayong nabubuhay at nakararamdam kaya hindi tamang saktan natin ang mga hayop at sinuman sa kahit na anong paraan.huwag nating hayaang unti-unting maubos ang yaman ng kalikasan dahil sa ating kagagawan.magtira at konserbahin natin ito para sa susunod pang henerasyon upang masilayan din nila ang ganda ng paligidna nilikha ng diyos.Lagi nating tatandaan na ang hayop tulad natin ay nasasaktan din.

Martes, Setyembre 29, 2015

pantay na pagtingin ang kanilang kailangan....

Sa makabagong panahon ngayon mas binibigyang pansin na ang mga kababaihan.Binibigyan na sila ng pagkakataong makapagaral,mamuno, makapagtrabaho at makalabas ng bahay.Sa lahat ng bagay na ito sapat na nga ba ang ganitong kalagayan para sa mga kababaihan?Bakit nga ba sa mata ng kahit sino lalaki pa rin ang mas nakatataas?
Karapatan,iyan ang sigaw ng mga kababaihan noon magpasahanggang ngayonay mayroon paring tila napagkakaitan.Marahil ang kakulangang ito ay dahil sa lipunang nabalot ng perspeksiyon ng nakaraan na ang mga kababaihan ay sadyang mahina,walang kakayahan at isa lamang taong mnararapat sa bahay.nakakalungkot isipin ngunit iyan ang totoo.Masuwerte pa rin ang mga nabubuhay na kababaihan sa kasalukuyang panahon kung saan nabuksan na ang kaisipan ng marami na ang babae ay may kakayahan din tulad ng lalaki.marami na ang nagbago ngunit hanggang ngayon ang babae ay nakararanas pa rin ng pangaabuso at diskriminasyon.Ito ay dahil sa paniniwalang hindi na mababago,ngunit kung iisipin hindi tayo mabubuhay sa mundo kung walang magluluwal sa atin na tanging babae lamang ang may kakayanang gumawa.
Para sa akin, bilang istudyante,anak ,ate athigit sa lahat bilang babae nilikha tayo ng diyos ng may kaka-kanyang kakayahan,kalakasa at kahinaan,Hindi pa sapat ang kalagayang tinatamasa ng kababaihan at sa paglipas ng panahon umaasa pa rin akong magbabago ang tingin sa mga kababaihan dahil ang babae`y iniingatan,iginagalang at minamahal dahil sa mata ng diyos lahat tayo ay pantay pantay lang.

Martes, Setyembre 15, 2015

tsina

Kilala natin ang tsina sa isa pinakamalaking bansa sa mundo . Kanilang pinangangalagaang kultura at tradisyon na napapanatili nila magpasahanggang ngayon.Dahil dito lubos akong naghahangad na malibot at masaksihan ang bansang ito.Kabilang sa mga natatanging atraksiyon na nais kong masilayan ay ang:

1.) Great Wall of China- nais kong masaksihan ang estrukturang ito dahil tila ba masarap ang maglakad dito at magmuni muni .ito na rin kasi ang saksi sa kabihasnan ng tsina at patuloy na nagpapamangha sa mga tao dahil sa taglay nitong tibay.
The Great Wall of China
great wall: ang isa  pinagmamalaking pasyalan ng tsina

2.) forbidden city-sinasabing dito makikita ang makalumang kultura ng tsina.makikita rito ang mga bahay na makaluma ang disenyo.noon ay hindi ito bukasd sa publiko ngunit pwede nag payalan ngayon.nais ko itong masilayan dahil gusto ko pang makilala ang kultura at tradisyon ng mga tsino.
Forbidden City
3.)  chengdu- tinagurian itong "home for the giant panda".sa totoo lamang nais kong puntahan ito dahil lamang sa mga panda.gusto silang makita dahil sa mga cute nilang mukha na parang buhay na teddy bear.wild giant panda at foping nature reserve
Ilan lamang iyan sa mga lugar na nais kong malibot sa tsina.inaasahan ko na makakapunta ako sa bansang iyan balang araw.

Miyerkules, Agosto 26, 2015

Bakit ba ganito?

      Ang pagsusulit o pagtataya ay isang paraan upang malaman kung hanggang saan o kung ano ang naipong kaalaman ng isang estudyante,ngunit bilang kami ay nasa ika siyam na baitang na,panahon na para dumaan kami sa isang pagtataya kung saan malalaman mo ang kurso mo base sa iyong kaalaman.
      Pero ano itong nararamdaman ko ngayon,Bakit ba ganito parang hindi ko malaman, hindi ko maipaliwanag kung dapat ba akong maging masaya  dahil sa wakas malalaman ko na ang kursong dapat sa akin o malulungkot dahil hindi ko matukoy kong makukuha ko ba ang kursong nais ko.Sa nararamdaman ko ngayon para babg sasabog ang aking dibdib sa sobrang kaba  at mabilis na pagkabog nito.
      Habang lumilipas ang mga oras lalo itong tumitindi, hanggang sa dumating na ang gurong magpapasulit sa amin.Natutuwa naman ako dahil mabait siya ngunit nang makita ko ang bawat pahina ng maliit na libro,ay puro matematika pa ang isang kategorya doon ngunit wala namang pwedeng pamilian dahil kailangan lahat iyon ay sagutan.
    Natapos na ang pagsusulit, sa wakas, natapos na rin ang aking kaba, at nais ko na agad malaman ang resulta ng aking pinaghirapang sagutan.

Linggo, Agosto 23, 2015

tuloy ang laban para sa iba pang markahan

      Hayyy.Sa wakas nakalagpas na ako sa unang markahan at dadako naman na kami sa panibagong markahan at makakatuklas na namn kami ng panibagong kaalaman.Inaasahan kong sa markahang ito  mas magigimg madali na para sa amin ang mga maaaring ipagawa ng aming mga guro.inaasahan ko rin sa aking sarili na mas gagalingan ko pa dahil sa lahat ng bagay dapat ginagawa natin ang mga ito sa lahat ng ating makakaya
        Sa markahang mga darating masa mgiging mahirap ang lahat dahil mas dumadami na ang mga responsibilidad namin.Magsisimula na naman kasi ang mga proyektong magpapatong-patong sa aming mga lamesa.Dagdag pa riyan ang mga bagong aralin tulad ng pagguhit sa t.l.e. ,page-eksperimento sa agham,pagtuklas ng panitikan sa silangang asya sa filipino,pagtukoy ng sagot gamit ang kompyutasyon sa matematika,pagtukl;as ng historya sa araling panlipunan at tila pagdugo ng aming mga ilong sa ingles.Ano ba iyan iniisip ko pa lamang sumasakit na ang ulo ko ngunit ganon talaga ang buhay ng estudyante.Magagamit at para naman sa aming kinabukasan ang mga ito dahil kung hindi ka mgsisikap hindi ka magtatagumpay.

Linggo, Agosto 9, 2015

Naipong karunungan sa unang markahan

            Ang unang markahan para sa akin ay isa na namang simula upang makaipon ng mga panibagong kaalaman. Nagsimula ang aming unang markahan sa pagtukoy kung ano ang pagkakaiba alamat at maikling kwento.Ang alamat ay isang uri ng panitikang maaring pinagmulan ng isang bagay.Ito ay maaaring kathang isip lamang, samantalang ang maikling  kwento naman ay isang uri din ng panitikan na kung saan ay maiksi lamang at naglalathala ng realidad ng buhay.Matapos nito`y tinalakay naman namin ang transitional devices at ang pangatnig.Ang transitional devices ay ginagamit upangmaging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.Ang pangatnig naman ay ang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.Sumunod ay ang pang-abay at ang mga uri nito.Tinalakay din namin ang ukol sa tula.Ano nga ba ang tula?  Ang tula ay isang anyo ng panitikang nagpapahayag ng damdamin at binubuo ng saknong at taludtod.Isa sa mga uri nito ay ang tulang naglalarawan.Ito ay naiiba sa ibang uri ng tula dahil mas nabubuo sa isipan ng mambabasa ang inilalarawan ng may-akda.Matapos nito`y tinalakay na namin ang huling aralin.Ito ay ang sanaysay.Ang sanaysay ay isang maikling akda at naglalahad ng personalna salaysay ng may-akda.Ito ay may dalawang uri, ang pormal na sanaysay na kung saan ay nagbibigay ng seryosong paksa at ang di-pormal na sanaysay na nagbibigay aliw sa mambabasa dahil magaan lamang ang mga paksa nito.
             Nailahad ko na ang mga naipon kong karununga na mananatili sa aking isipan.Magiiwan ang markahang ito ng magandang kaalaman na maaari kong ibahagi sa iba at mgagamit ko rin pagdating ng panahon.

Sabado, Agosto 1, 2015

Awit na sumasalamin sa atin

     Ang isang awitin ay binubuo ng liriko at tutugtugin na ginagawa upang maibsanang emosyon ng isang tao,maipahayag ang damdamin kung ang may akda ba ay masaya ,malungkot o karaniwan ay umiibig.Ngunit may isang kanta na para sa akin ay sumsalamin sa atin.
     Kung ako ang tatanungin ang awiting "Tatsulok" na inawit ni Bamboo ang maaaring sumalamin ng ating lipunan at sa pamahalaan.Alam kong marami ang nakakaalam ng awiting ito.Upang mas maging pamilyar kayo rito narito ang liriko nito:
   

 Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bangag nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalong ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan ka ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humandusay diyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo.......
Di matatapos itong gulo......


Read more: Bamboo - Tatsulok Lyrics | MetroLyrics 
      

     Ang awiting ito ay tumatalakay sa lipunan na ating ginagalawan na kung saan ay marami ang nagugutom o naghihirap dahil sa maling sistema ng ating lipunan,ngunit kung iisipin ay dapat rin tayong magsikap upang tayo ay umaangat dahil hindi lamang dapat tayo dumedepende sa tulong ng pamahalaan...

     "HUWAG MONG ISIPIN ANG MAGAGAWA NG BANSA PARA SA IYO KUNDI ANG MAGAGAWA MO PARA SA BANSA"kasabihan mula kay John f Kenedy.Natutuwa ako na ang awiting ito ay nabuo dahil mayroon itong magandang mensaheng maiiwan sa atin.






Lunes, Hulyo 27, 2015

sabadong puro gawain, at linggong araw nang pangilin

        SABADO
             Tik ti la oooooooook...Iyan ang tila hudyat na panahon na para bumangon.Alas-diyes nang umaga noon syempre ano pa nga ba ang unang hakbang malamang ang imulat ang mga mata, magligpit nang higaan, kumain ng almusal at maghanda na para sa isa nanamang araw ng gawaing pambahay.Kanina pa pala gising si mama ,tapos na siyang maglaba ng aming damit na pang araw-araw samantalang ako kagigising pa lamang nang. Kumakain ako noon ng bigla kong narinig ang boses ni mama na nagsasabing"Angelika maglaba ka na nang mga uniporme at medyas" sumagot ako na"sige ma tatapusin ko lamang ang aking kinakain".Matapos kong kumain aysinimulan ko na ang paglalaba.Banlaw,sabon,banlaw,banlaw, banlaw at sampay sa wakas tapos na.Sumunod ay kumain na kami nang sabay-sabay.Matapos ang lahat ay tinuloy ko pa ang iba kung mga gawain.Pagod-pagod na ako kaya panahon na para mamahinga..

          LINGGO
                Anu ba yan ang ingay naman ng alarm clock.Naku alas nwebe na baka mahuli kami sa misa.Agad akong nagligpit ng higaan ,kumain at nagbihis at umalis.Natandaan ko pa ang aral ng pari ito ay ang"magbahagi" tulad ng ginawa ng diyos na nagpakain ng maraming taong walang makain.Ang araw rin ng linggo  para sa amin ay araw ng pamamasyal kaya kami ay namasyal,namili at kumain sa labas.Umuwi na kami agad dahil kami ay gagawa pa ng takdang-aralinMtapos ang lahat ay pinatulog na kami ng maaga dahil mayroon pang pasok bukas at maaga naman ang gising namin.

Huwebes, Hulyo 23, 2015

paghahanda sa sakuna

          Marami ang nangamba sa pagdating ng malakas na lindol na kung tawagin ay "THE BIG ONE".Tinatayang maghahatid ito sa ating bansa ng matinding pinsala at sinasabing mahigit sa tatlompung-libo ang maaaring mamatay dahil sa trahedyang ito ,kaya pinaghahanda na ang bawat isa upang pagyumanig na ang lupa tayo ay handa.
          Isa sa ginawang paghahanda ay ang Earthquake Drill.Ito ay isang paraan upang lubos nating maunawaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna,kaya ginanap ngayong ika-dalampu`t-tatlo ng hulyo sa taong dalawampung libo`t labing lima ang pamboung bansang pagsasagawa ng Earthquake Drill.Isinasagawa ito sa iba`t-ibang parte ng lugar sa pilipinas.
          DUCK,COVER and HOLD , iyann ang unang nararapat na gawin sa unang pagtunog ng kampana.Sa pangalawang pagtunog nito, kinakailangan nang lumabas ng mga mag-aaral sa kanilang ng paaralang kinabibilangan ,inererekomendang pumunta sa malawak na espasyong lugar upang malayo sa mga bumabagsak na bagy sa paligid.Kung mayroong nasaktan ay maaring itong lapatan ng paunang lunas.
          Isang malaking kagandahan ang mayroong kaalaman ukol sa paghahandang ito.Maaaring ang kaalaman mong ito ang maghatid sayo sa kaligtasan.Masaya ako dahil nakapaghahanda tayo sa maaaring trahedyang dumating isa man sa mga araw na ito ngunit hindi ko parin maiaalis sa aking sarili ang pangamba ngunit lagi ko lamang nilalagay sa aking isipan ang "HUWAG MATAKOT" dahil minsan ito pa ang nagiging dahilan ng pagkamatay mo at ang takot din ay nagpapakita nag kawalan ng tiwala  sa panginoon.maapektuhan man tayo o hindi mas magandang lagi tayong maging handa sa bawat sakuna dahil hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.

Martes, Hulyo 21, 2015

    Kaibigan,isang salitang madaling sambitin ngunit mahirap hanapin, mahirap tukuyin kung sinong totoo o nagpapanggap lamang.Totoo man sila o hindi, mayroon parin silang katangiang naiiba na hindi natin makikita kahit na kanino pa.Mga bagay o kalokohang ginagawa ng sabay at mga pangyayaring kasama mo at hindi mo na sila maaaring makalimutan dahil nakatatak sa puso mo ang hitsura nila ,ngunit ano nga ba ang katangian ng isang kaibigang nais mong makasama sa tawanan at iyakan?
     Isa rin akong kaibigan at mayroon di naman akong kaibigan, para sa akin ang isang kaibigan ay maaasahan sa tawanan man o sa problema.Isang kaibigang nagpapangiti at nagpapasaya sa iyo,mapagbigay,mabait,may pananampalataya sa diyos ,may respeto , at higit sa lahat totoo at hindi nagpapanggap lamang.Taos pusong tinatanggap ang maga payong binibigay mo,pinagtatanggol ka  sa lahat ng nangaapi sa iyo ,pinasasalamatan ka at tinatanggap ang pagkakaiba ng bawat isa at magbabago para sayo at para sa kanila.May mga pagkakataon na kayo`y may hindi napagkakaunawaan at hindi nagpapansinan ngunit hindi mo talaga matitiis ang iyong kaibigan.
      "Ang kaibigan ay kayamanan na hindi mo makukuha ng madalian".Ito ang katagang nagpapaalala sa atin na ang kaibigan ay hindi madaling makuha at hindi mo lamang kaibigan ang isang tao dahil sa iyong pangangailangan .Lahat tayo`y nangangarap na magkaroon ng kaibigang mag-iiwan sa atin ng pangakong "Hanggang sa huli ,walang iwanan".