Biyernes, Marso 18, 2016

magulang o ang pagmamahal

      Image result for magulang vs.Image result for pagibig
      KUNG MAHAL MO IPAGLABAN MO.Marami ang nagsasabi ng katagang iyan ngunit kung ikawa ang tatanungi anong mas pipiliin mo ang sumunod sa magulang o ang ipaglaban ang minamahal.Anu bang mas mahalaga sa iyo ang magulang mo o ang ipaglaban ang iyong mahal.
         Kung ako ang tatanungin ay sa edad namin ay mas magandang piliin ang pagsunod sa magulang dahil mas mahal ko sila higit sa pagmamahal ko sa iba.Alam nila ang mas nakakabuti para sa akin dahil sila ang nakakaalam ng mga sitwasyon sapagkat sabi nga "papunta pa lamang tayo ay pabalik na sila".Walang dahilan para suwayin ko sila dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Sabi ko nga sa sarili ko ay hindi ako magaasawa dahil mas gusto ko na lamang alagaan ko ang mga magulang ko at bigyan sila ng magandang buhay pagkatapos kong magtapos.
         Naisip ko rin na nasasabi ko ang mga ito dahil hindi pa ako nagmamahal sabi kasi nila pag nagmahal ka ay magiging bulag ka.Kaya hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

katangiang dapat taglayin ng isang lider

  Image result for lider


    Ang pagiging representante ng mg aestudyante ay hindi madali.Hindi lamang ito basta-bastang organisasayon dahil ito ang pinakamataas sa lahat.Malaking respononsibilad ito na nakaatang sa balikat mo.ang pagiging student supreme government (SSG) ay dapat role model ka ng lahat.LAGI DAPAT TAMA ANG GINAGAWA MO DAHIL MARAMING MATA ANG NAKATINGIN SA IYO.Ang ibibigay kong katangian na dapat taglayin ng isang lider ay:

1.)mayroong paninindigan
        dahil kailangan mong panindigan lahat ng sinasabi mo.Hindi naduduwag kahit kanino man.At handa kang humarap sa lahat ng taas noo dahl alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama.

2.)responsable
        dahil kong responsable ka kahit mahirapan ka ay hindi susuko dahil alam mong may responsibilad ka.Hindi ka aayaw kahit marami ang bumabatikos sa iyo at ginagawa lahat para mabago ang mga pangit na bagay sa pinamumunuan mo.

3.)marunong  tumanggap ng suhestiyon
       dahil kung marunong kang makinig sa iba ay magiging maganda ang kalalabasan ng iyong pinamumunuan mo.Kapag may sinabi ang iba ay dapat tanggap mo at baguhin mo iyo kung kinakailangan at huwag kang magagalit dahil gusto ka lamang nilang tulungan.

4.)disiplinado
       gaya nga ng sinabi ko ikaw ang magsisilbing role model ng lahat.Kung disiplinado kang tao ay gagayahin ka ng lahat.

5.)malalapitan kahit anong oras
        dapat malalapitan ka kahit anong oras  dahil hindi ka dapat masungit at isnabero.

6.)maasahan
          dahil dapat sa lahat ng bagay ay maasahan ka.Hindi na dapat sabihan ng gagawin kundi ay magkukuga na lamang


Characters parade

       Sa ikaapat na markahan ay kami ay nakapokus sa  akdang noli me tangere .Isa sa mga pinapagawang proyekto ng aming guro ay ang characters parade.At ang ginampanan ko ay si donya victorina. Nakatuwang isipin na nagawa ko ang eksenang pinapagawa sa amin.Sa totoo lamang ay kung anu-ano na ang nasabi ko sa sobrang kaba.Hindi na nga tugma ang aming napraktis sa mga dapat naming gawin. Nagpapasalamat na lamang ako sa kaeksena kong si donya consolascion dahil pilit niyang sinasabayan ang mga sinasabi ko.
       Ang characters parade na naganap  ay tinuruan akong huwag mahiyang magtanghal sa harapan.Dahil mahiyain ako kaya ngayon ko lamang naranasang maging masungit at umakto ng maarte sa harapan.Hinasa rin nito ang aming pagkamalikhain sa paggawa ng costume at props.
         Naitanong ko pa nga sa sarili ko kung paano ko nagawa yun at noong malapit na kaming magtanghal ay inisip ko na lamang na wala akong magagawa kung hindi ang gampanan si donya victorina.

Gawaing hindi maiaalis sa akin

   Maraming mga bagay na  nais mo paring gawin at parang hindi ka nagsasawang gawin iyon.Hindi ka na bata para gawin iyon pero hindi mo maalis sa iyong mga gawain  dahil nga nakasanayan mo na.Masarap kasing balikan ang mga bagay na nagagawa mo sa nakaraan.Itong mga simpleng bagay na ito ay tulad ng:

1.)Maglaro ng barbie
    marami sigurong iniisip ngayon na isip bata ako ngunit hindi ko talaga maalis ang pagkahilig ko sa mga laruang pangbabae tulad ng barbie doll.Sa totoo lamng ay marami pa akong mga manika na ipinapagamit ko naman sa mas nakababata kong kapatid na babae.
Image result for manika laruan


2.)Pumapak ng milo
       ang sarap talagang kumain ng milo na may kasama pang gatas.hindi ko malaman kung bakit hindi ako nauumay sa lasa nun dahil paulit-ulit ko pa rin iyong gustong kainin at papakin.MInsan ng ay tumatakas pa ako sa pagkain nun dahil pinapagalitan ako kasi maaksaya raw sa gatas at milo.



3.)Gumawa ng mga porselas o kung anu-anong abubot
       Gustong -gusto ka talaga ang magkutingting o mageksperimanto ng mga bagay-bagay. masarap kasing makadiskubre ng mga bagay na ang kinakalabasan ay maganda.
Image result for handmade bracelets
   

field demo

     Noong una ay alanganin akong makasama sa sayaw dahil nawalan ako ng kaparehas .Gustong-gusto ko pa namang makasayaw dahil isa iyong magandang karanasan.Kaya nawawalan na ako ng pag-asa na makakasayaw pa dahil walang mahanap na kapareha ang aming guro ngunit nabuhayan ako noong mayroong umayaw kaya napunta sa akin ang kangyang kapareha.Tuwang-tuwa ako noon dahil sa wakas ay makakasayaw rin ako kaya kahit nahuhuli sa steps ay sinikap kong aralin iyon hanggang sa dumating na ang araw ng pagtatanghal.Kinakabahan ako dahila ng daming tao at iniisip ko na baka kami ay matalo pa dahil apat lamang ang maglalaban at tatlo lamang ang paparangalan.Idinadasal ko na baka sa apat na iyon ay kami pa ang mawalan ng karangalan at nangyari nga ang kinakatakutan ko.NATALO KAMI.Sa totoo lamang ay ayoko nang balikan ang pangyayaring iyon dahil nakakahiya talaga.Kami pa naman kasi ang pinakamattas ang pangkat ngunit kami pa ang natalo.
      Ayoko na ngang marinig ang tugtog na aming sinayaw dahil bumabalik ang ala-alang iyon.Masyado lang siguro kaming nagexpect na kami ang mananalo.Siguro ay kulang kami sa props.Ang masaklap pa ay talo na nga kami ay binabatikos pa kami dahil hanggang talino at utak lamang daw kami.Pero sa lahat ng ito inisip ko lamang na isa iyong masayang karanasan na maraming dapat na matutunan.Sabi nga ng aming guro Wag ispin ang pagkapanalo kung hindi ay magenjoy lamang sa aming ginawa. Sabi ko naman matutong tumanggap ng pagkatalo at marahil hindi talaga para sa amin ang sayan na iyo.Marami pang dadaang taon na baka kami naman ang manalo.

Pilipinong nagkaisa

pangyayari noong rebolusyon sa edsa

Sa ika-30 taon ng paggunita sa edsa  revolution tila hindi ko na masyadong nadadama ang diwa ng pagkakaisa.Sa aking panonood sa telebisyon mayroong mga taong nakaranas ng pagpapahirap o torture noong panahon ni pang. marcos.Mga mamahayag na noon ay hindi sagnayon sa administrasyong marcos pati na rin ang mga nagalsa ang nagsasabing ang mga kabataan ay hindi dapat limutin ang isa sa pinakamahalagang  pangyayari sa ating bansa.Marami ang humanga sa mga pilipino dahil sa nagawa nilang kasasaysayan."Ang magkaisa para makalaya sa kalupitan ng Batas Militar".
Para sa akin ang pangyayari sa edsa o ang panunungkulan ni marcos ay hindi lamang puro kalupitan may mga magaganda rin itong naidulot sa ating bayan.Napaunlad niya ang ating ekonomiya ngunit sa maling pamamalakad.
Ang pagkakaisa ng mga pilipino noon ay sadyang nakakatuwa dahil nagawa nilang patalsikin sa pwesto ang pang. marcos.Pinatunayan natin ang kasabihang"Lahat ay nagagawa basta sama-sama".

Doppelganger

       Minsan may mga bagay na akala mo napakaseryoso ngunit hindi pala.Dahil noong mga panahong wala ka pang masyadong nalalaman ay lahat ng sasabihin ng iba ay iyong sineseryoso at lahat ng iyon akala mo ay totoo.Samahan niyo akong balikan ang aking karanasan ng ako ay bata pa lamang.
         Minsan mayroon ka bang nakikita na katulad na katulad ang mukha ng iyong kakilala ngunit hindi pala siya ang iyong nakita kung hindi ay doppelganger o manggagaya pala ng mukha upang ikay linlangin,mga bagay na hindi mo kayang ipaliwanag.iyan kasi ang aking naranasan.
          Isang araw ,bata pa lamang ako noon,kami ng aking mga ate at ang aming ina ang syang nasa bahay.Naglalaro kami sa loob ng bahay at naisipan naming hanapin ang aming ina  sa loob ng bahay at nakita naman namin siya sa loob ng aming banyo.Ang banyong iyon ay may pintuang maaari mong silipin ang ibaba kung may tao o wala.Sinilip namin ang ilalim ng pintuang iyon at nakita namin ang tsinelas ni mama at ang mukha niyang nakakunot ang noo.Nakampante kami na naroon naman pala ang aming ina kaya naisipan naming lumabas ngunit paglabas namin ay naroon siya sa labas at bumili ng ulam.Nagtaka kami dahil nakita namin siya sa banyo kanina lamang.
         Ikinuwento namin iyon sa kanya at sinabi niya lamang na hindi dapat namin ito isipin .Sa ngayon ang karanasan kong iyon ay tinatawanan ko na lamang dahil  isinaisip na ang mga ganoong bagay ay kathang isip lamang.


Ikaapat na Markahan

Pambungad na aralin sa ikaapat na markahan