Biyernes, Marso 18, 2016

Doppelganger

       Minsan may mga bagay na akala mo napakaseryoso ngunit hindi pala.Dahil noong mga panahong wala ka pang masyadong nalalaman ay lahat ng sasabihin ng iba ay iyong sineseryoso at lahat ng iyon akala mo ay totoo.Samahan niyo akong balikan ang aking karanasan ng ako ay bata pa lamang.
         Minsan mayroon ka bang nakikita na katulad na katulad ang mukha ng iyong kakilala ngunit hindi pala siya ang iyong nakita kung hindi ay doppelganger o manggagaya pala ng mukha upang ikay linlangin,mga bagay na hindi mo kayang ipaliwanag.iyan kasi ang aking naranasan.
          Isang araw ,bata pa lamang ako noon,kami ng aking mga ate at ang aming ina ang syang nasa bahay.Naglalaro kami sa loob ng bahay at naisipan naming hanapin ang aming ina  sa loob ng bahay at nakita naman namin siya sa loob ng aming banyo.Ang banyong iyon ay may pintuang maaari mong silipin ang ibaba kung may tao o wala.Sinilip namin ang ilalim ng pintuang iyon at nakita namin ang tsinelas ni mama at ang mukha niyang nakakunot ang noo.Nakampante kami na naroon naman pala ang aming ina kaya naisipan naming lumabas ngunit paglabas namin ay naroon siya sa labas at bumili ng ulam.Nagtaka kami dahil nakita namin siya sa banyo kanina lamang.
         Ikinuwento namin iyon sa kanya at sinabi niya lamang na hindi dapat namin ito isipin .Sa ngayon ang karanasan kong iyon ay tinatawanan ko na lamang dahil  isinaisip na ang mga ganoong bagay ay kathang isip lamang.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento