Noong una ay alanganin akong makasama sa sayaw dahil nawalan ako ng kaparehas .Gustong-gusto ko pa namang makasayaw dahil isa iyong magandang karanasan.Kaya nawawalan na ako ng pag-asa na makakasayaw pa dahil walang mahanap na kapareha ang aming guro ngunit nabuhayan ako noong mayroong umayaw kaya napunta sa akin ang kangyang kapareha.Tuwang-tuwa ako noon dahil sa wakas ay makakasayaw rin ako kaya kahit nahuhuli sa steps ay sinikap kong aralin iyon hanggang sa dumating na ang araw ng pagtatanghal.Kinakabahan ako dahila ng daming tao at iniisip ko na baka kami ay matalo pa dahil apat lamang ang maglalaban at tatlo lamang ang paparangalan.Idinadasal ko na baka sa apat na iyon ay kami pa ang mawalan ng karangalan at nangyari nga ang kinakatakutan ko.NATALO KAMI.Sa totoo lamang ay ayoko nang balikan ang pangyayaring iyon dahil nakakahiya talaga.Kami pa naman kasi ang pinakamattas ang pangkat ngunit kami pa ang natalo.
Ayoko na ngang marinig ang tugtog na aming sinayaw dahil bumabalik ang ala-alang iyon.Masyado lang siguro kaming nagexpect na kami ang mananalo.Siguro ay kulang kami sa props.Ang masaklap pa ay talo na nga kami ay binabatikos pa kami dahil hanggang talino at utak lamang daw kami.Pero sa lahat ng ito inisip ko lamang na isa iyong masayang karanasan na maraming dapat na matutunan.Sabi nga ng aming guro Wag ispin ang pagkapanalo kung hindi ay magenjoy lamang sa aming ginawa. Sabi ko naman matutong tumanggap ng pagkatalo at marahil hindi talaga para sa amin ang sayan na iyo.Marami pang dadaang taon na baka kami naman ang manalo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento