Biyernes, Marso 18, 2016

Characters parade

       Sa ikaapat na markahan ay kami ay nakapokus sa  akdang noli me tangere .Isa sa mga pinapagawang proyekto ng aming guro ay ang characters parade.At ang ginampanan ko ay si donya victorina. Nakatuwang isipin na nagawa ko ang eksenang pinapagawa sa amin.Sa totoo lamang ay kung anu-ano na ang nasabi ko sa sobrang kaba.Hindi na nga tugma ang aming napraktis sa mga dapat naming gawin. Nagpapasalamat na lamang ako sa kaeksena kong si donya consolascion dahil pilit niyang sinasabayan ang mga sinasabi ko.
       Ang characters parade na naganap  ay tinuruan akong huwag mahiyang magtanghal sa harapan.Dahil mahiyain ako kaya ngayon ko lamang naranasang maging masungit at umakto ng maarte sa harapan.Hinasa rin nito ang aming pagkamalikhain sa paggawa ng costume at props.
         Naitanong ko pa nga sa sarili ko kung paano ko nagawa yun at noong malapit na kaming magtanghal ay inisip ko na lamang na wala akong magagawa kung hindi ang gampanan si donya victorina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento