KUNG MAHAL MO IPAGLABAN MO.Marami ang nagsasabi ng katagang iyan ngunit kung ikawa ang tatanungi anong mas pipiliin mo ang sumunod sa magulang o ang ipaglaban ang minamahal.Anu bang mas mahalaga sa iyo ang magulang mo o ang ipaglaban ang iyong mahal.
Kung ako ang tatanungin ay sa edad namin ay mas magandang piliin ang pagsunod sa magulang dahil mas mahal ko sila higit sa pagmamahal ko sa iba.Alam nila ang mas nakakabuti para sa akin dahil sila ang nakakaalam ng mga sitwasyon sapagkat sabi nga "papunta pa lamang tayo ay pabalik na sila".Walang dahilan para suwayin ko sila dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Sabi ko nga sa sarili ko ay hindi ako magaasawa dahil mas gusto ko na lamang alagaan ko ang mga magulang ko at bigyan sila ng magandang buhay pagkatapos kong magtapos.
Naisip ko rin na nasasabi ko ang mga ito dahil hindi pa ako nagmamahal sabi kasi nila pag nagmahal ka ay magiging bulag ka.Kaya hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento